k i l o m e t r o    z e r o

sapagkat habang humahakbang pasulong,
tayo'y nagbabaliktanaw



   

<< October 2017 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Friday, March 04, 2005
the tide recedes

the tide recedes
but leaves behind bright
seashells on the sand;
the sun goes down
but gentle warmth still
lingers on the land;
the music stops
and yet it echoes on
in sweet refrains.

for every joy that passes
something beautiful remains

leo azura jr. just wanted to be relevant at 08:35 am
Comments (2)  


Monday, February 28, 2005
Saan Ka Patungo?

Di ko alam kung saan ako dadalhin ng dalawa kong paa na walang kapagurangang tinatahak ang daang papalayo sa aking kahapon. Di na ako marunong lumingon sa kahapon. Kahit ang kasalukuyan ay di ko na rin pinapansin. Basta, takbo na lang ako nang takbo, hakbang na lang nang hakbang, papalayo nang papalayo.

Walang direksyon. Pero alam ko sa dulo ng daang tinahak ang liwanag na matagal nang hinahanap-hanap. Ilang taon na rin akong nagdudusa sa kadiliman dala ng pighati at kalungkutan. Dahil maraming gustong manahimik na lang ako, makontento sa kadiliman, makontento sa kawalan.

Nakakatawa daw ang mga katulad ko. Palaging pumupuga, palaging nag-aalsabalutan. Nawawala daw ako sa aking sarili. Nahihibang. Ganito naman ang  ginagawa nila sa mga taong gustong tumiwalag sa kanilang mga landas. Ganito nila, pinapatay ang mga mithiin at pangarap ng mga kabataan. Sinasalungat nila ang mga taong may pangarap. Pinapatahimik nila ang aming mga boses. Kinukulong sa kadiliman.

Pero tama na ang pagkakulong sa kadiliman. Tama na ang pagkukunwari. Tama na ang pananahimik. Kelangan ko nang makalayas sa hawlang ito. Kelangan ko nang mag-impake at mag-alsabalutan.

Pero saan ako patungo? Dito? Doon? Diyan?

Para saan ang paglalakbay na ito? Para sundin ang aking tunay na landas? Para gumuwa ng sariling daan papunta sa kaliwangan? Para makalayas sa kahapon? Paano ang kahapon? Bigla ko na lang bang iiwanan ng basta basta? Bakit ko kailangang talikuran ang lahat? Bakit ko kailangang lumayas? Para sa iyo ba ang ginagawa kong ito?

Ang daming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan habang patuloy ang aking paglalakbay. Pero hanggang ngayon wala pa rin akong sagot sa mga katanungang ito. Dahil takot akong lagyan ng tuldok ang lahat. Dahil baka kung masagot ko na ang mga ito, bigla akong huminto sa kalagitnaan ng aking biyahe. Hihinto at matuksong lumingon sa aking likod. Takot ako baka malaman ko na mali pala ang daan na tinahak ko, takot ako na baka mapangilakan ko na tumatakas ako sa mga maling rason, takot na baka biglang mag-iba ang ihip ng hangin at biglang maisipan na tama na itong paglalakbay na ito, baka maisipan na pagod na pala ako. Takot ako sagutin ang mga tanong dahil takot ako huminto. Sapat na sa akin ang ganito, pumupuga sa kahapon. Sapat na sa akin na makita man lang ang liwanag, kahit isang kislap lang nito. Dahil ito naman talaga ang ating trabaho sa buhay di ba? Ang mabuhay sa ilalim ng liwanag. Dahil walang gustong manirahan sa dilim.

Di ko alam kung hanggang kelan ang paglalakbay na ito. Pero kung makita niyo man ako sa daan, ipaalala niyo na lang sa akin kung ano na ang nangyayari ngayon dahil lagi kong hinahabol ang kinabukasan.  


leo azura jr. just wanted to be relevant at 01:27 am
Make a comment