gusto mo nang bumigay, magpakamatay, sumabay sa agos... dahil ayaw mo na, tinatamad ka na, nanghiina ka na, dahil naubusan ka na ng lakas.
Pero, hindi pwede. Ano pa ang saysay ng ating buhay kung bigla tayong bumibigay sa agos ng buhay.
Dapat lumaban. Dapat bumangga. Dapat sumaway. Sa status quo, sa dominanteng hegemony, sa neo-imperyalismo. Sa mapang-aping uri.
Dapat magakaroon ng kontradiksyon, ng conflict; dahil walang pagbabagong magaganap, walang kalayaang makakamit kung nakatunganga lang; dahil lahat ng rebolusyon, ang puhunan ay dugo.